Friday, July 15, 2016

Pang abay na Pamanahon

Pang abay na Pamanahon-nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa

May dalawang uri ng pang abay na pamanahon:

1.Pamanahong may pananda-gumagamit ng nang,sa,noong,kung tuwing,buhat,mula,umpisa at hanggang.

Hal.

a.Noong lunes siya nagsimula sa kanyang bagong trabaho.

b.Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.

2.Pamanahong walang pananda-kabilang ang kahapon,kanina,ngayon,mamaya,bukas,sandali.

Hal.

a.Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal dulang Pilipino sa CCP.

b.Ipinagdiriwang ngayon ng Makati ang ika 262 anibersaryo ng kaarawan Gabriala Silang.

Thursday, July 14, 2016

Kasabihan at mga Halimbawa

Kasabihan-ito ay isa sa bahagi ng kulturang Pilipino na ipinasa sa atin ng ating mga ninuno.Ito ay nagbibigay ng padala at mabuting aral sa atin at itoy buhay na isinulat sa paraang ginamit sa pang araw-araw na usapan.Ito ay mapatungkol sa pamilya,pera,negosyo,pag-ibig at kung saan saan pa.Ang anyo nito ay pwedeng tuwirang kasabihan,o tipong pag iisipin ka o magsaliksik kung anong ibigsabihin.

 

 

MGA HALIMBAWA:

1.Ang sipag na tinumbagan ng tiyaga,ay nahantong sa ibayong biyaya.

2.Ang Diyos ay iyong panalingan,upang malayo sa kasamaan.

3.Ang kayamanang galing sa kasamaan hindi nagbubunga ng kabutihan.

4.Ang kapaligiran ay hindi iningatan,dulot ay kapamahakan sa kinabukasan.

5.Ang hindi lumingon sa pinanggalingan,ay hindi makararating sa paroroonan.

6.Huwag kang magtiwala sa di mo kakilala.

7.Walang mahirap na gawa pag dinaan sa tiyaga.

8.Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan,at wala sa kasaganahan.

9.Ang hindi magmahal sa kanyang wika ay mahigpit pa sa hayop at malansang isda.

10.Ang tunay na pag-ibig sa bayan,ay may pawis sa gawa

Sawikain at mga Halimbawa

Sawikain-(idiomatic expression) ito ay salita o grupo ng salita ng patanglinghaga ang gamit na nagbibigay ng di tuwirang kahulugan.Karaniwan itong ginagamit sa araw araw na nagbibigay ng di tiyakang kahulugan ng salitang isinasaad.



MGA HALIMBAWA:

1.Ahas-taksil o traydor

2.Anak dalita-mahirap

3.Bantay-salakay-nagbabait-baitan

4.Haligi ng tahanan-ama

5.Hampas lupa-lagalag,busabos

6.Makapal ang palad-masipag

7.Pusong Bakal-hindi marunong magpatawad

8.Ilaw ng tahanan-ina

9.Tengang kawali-nagbibingi-bingihan

10.Tulak bibig-salita lamang

Salawikain at mga Halimbawa

Salawikain-ang salawikain ay binubuo ng mga parirala sa salitang patula na naghahayag ng gintong aral.isa ito sa katutubong tula na lumaganap sa Pilipinas bago dumating ang mga mananakop.taglay nito ang malalalim na pahiwatig o maaaring sabihin maligoy na paraan ng pagsasabi.

 

 

 

MGA HALIMBAWA:

1.Ang panalo ay nagiging bayani ang talunan ay sising api.

2.Ang maniwala sa sabi-sabi,walang bait sa sarili.

3.Ang isinukat mo sa kapwa mo,ay siya ring isusukat sa iyo.

4.Kapag wala ang pusa,nagkakagulo ang mga daga.

5.Huwag kang mangangako,kung alam mong itoy mapapako.

6.Habang ang tao ay may hininga,di dapat mawala ang pag-asa.

7.Iwasto ang kamalian kung sa halip na pagtatawanan.

8.Walang biniling masama sa matabang lupa.

9.Ang tunay na anyaya ay may kasamang panghila.

10.Ang kasamaan ay may kapatid na kataksilan.